KULTURA AT TRADISYON NG MGA PILIPINO

 KULTURA AT TRADISYON

SA PILIPINAS


       Ang Kultura sa Pilipinas

Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

              
                  Ano nga ba ang “tradisyon"?

Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.

Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin. 

                Ang karaniwang KULTURA at TRADISYONG sa pilipinas .

1.piyesta/fiesta---------> Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay ang anumang pag-alaala at pagdaraos na ginaganap sa Pilipinas bawat taon. Kinabibilangan ito ng masasayang mga selebrasyon at pagsasakatuparan ng mga kapistahan. Dahil sa mga okasyon ang mga ito, karaniwang kinasasangkutan ito ng mga punsiyon o pagtitipon, mga seremonya, at mga parada. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong mga pestibal ang mga pagpipista ng mga Pilipino upang alalahin ang Pasko o araw ng mga santokaarawan o araw ng kapanganakan ng Pangulo ng Pilipinas, ang Sayaw sa Obando, at ang Pasko ng Pagkabuhay.
Halimbawa ng pista : Panagbenga festival,pakwan festival , sinulog festival.......


2.Pananampalataya------------->Ang mga Pilipino ay may matibay na pananalig at pananampalataya sa Diyos Ang mga bata ay tinuturuan ng kanilang magulang sa pagdarasal. Ang buong mag-anak ay nagsisimba lalo na sa araw ng Linggo para magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga biyaya at mga pagsubok na napagtagumpayan.Maraming klase ng gunita para sa pananampalataya ang mga Plipino tulad ng MAHAL  NA ARAW, PARADA NG DEBOTO,PALASPAS.
3.PAG-HAHARANA----------->Ang harana ay tumutukoy sa tradisyonal na pag-awit ng isang binata sa tapat ng bahay ng dalagang napupusuan.

Madalas, may kasama ang binata, mga kaibigang lalaki na tumutugtog ng GITARA para saliwan ang pag-awit ng naghaharana.

Karaniwang idinaraos ito sa pagitan ng ikapito at ikasampu ng gabi. Nahahati ito sa tatlong bahagi: pagpapakilala, pagtumbok, at pamamaalam. Ginagawa ito ng mga Tagalog, Kapampangan, Bikolano, Ilokano, at Pangasinan.

Ang pagbubukas ng maliit na siwang ng bintana at pakikinig sa harana ng binata ay sapat nang kapalit sa pagod at puyat para sa isang masugid na manliligaw. Kung susuwertihin at kung may pagtingin din sa binata ang dalagang hinaharana, maaaring paakyatin sa bahay ang nananapatan upang sila ay makapagkuwentuhan.


4. Simbang gabi----------->Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa-de-galyo (mula sa Kastilang Misa de Gallo, o "misa ng tandang", sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya), Misa Aginaldo (mula sa Kastilang Misa de Aguinaldo, o "misa ng mga handog, alay o regalo"), Misa-de-notse, o Misa-de-noche (o "misa ng/sa gabi").Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng Pasko. Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre, na kadalasang sinasagawa sa mga Romano Katolikong simbahan sa Pilipinas tuwing ikaapat hanggang ikalima ng umaga. Ang misa sa madaling araw na ito isa sa pinakamatagal na at pinakabantog na tradisyong Pilipino.Nagsisilbi rin ang misa bilang isang nobena para sa Birheng Maria. Bukod dito, nagsisilbi ring pagkakataon ang pagnonobena upang idalangin ang mga kahilingang nakatuon kay Hesukristo, kaugnay ng paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa sa madaling-araw. Sa ibang pagkakataon, isinasagawa ring kasama ng Simbang Gabi ang panuluyan, partikular na sa pinakahuling misa, ang tunay na Misa Aginaldo Misa-de-galyo.


5.Pag-galang sa mga nakakatanda---->  aggalang sa Matatanda Sinuman na nakakatanda sa inyo ay kailangang igalang. Isa ito sa napakagandang bahagi ng kultura ng mga Pilipino. Ang lahat ng bata sa simula pa lamang ay tinuturuan na gumamit ng po at opo sa kanilang pakikipag- usap sa sinumang nakakatanda. Ang pagmamano ay isa ring katangi-tanging kaugaliang Pilipino na nararpat na manatiling buhay hanggang sa kasalukuyan.



             Isa lamang ang mga ito sa mga ipanagmamaliking kultura at tradisyon ng mga pilipino na sana ay patuloy na maipasa sa mga sumusunod na henerasyon.

Bakit nga ba mahalaga ang kultura at tradisyon ng isang bansa?

---->  Pag sa kultura, ito ay sumasalamin kung gaano kayaman ang isang katutubong grupo, pinakikita rito kung ang mga tradisyon at paniniwala nila noon sa pamamagitan ng kultura na nakagisnan ng mga katutubong grupo.


















N

Popular posts from this blog

Me and my Dream